Bul•kán Bu•lú•san : aktibong bulkang matatagpuan sa Sorsogon at may taas na 1,559 m mula sa pantay-dagat
bul•kán 1: bútas ng lupa na nilulusutan ng lava, abó, at gas 2: bundok o talampas ng naipong lava, abo, at ibang materyales mula sa ilalim ng lupa 3: anumang may katangiang maaaring sumabog
Bul•kán Ma•yón : aktibong bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Albay at may taas na 2,415 m mula sa pantay-dagat
Bul•kán Ta•ál : aktibong bulkan na matatagpuan sa isang pulo sa Lawa ng Taal sa timog kanluran ng Luzon at may taas na 320 m mula sa pantay-dagat
Bul•kán I•rá•ya : bulkang matatagpuan sa pulô ng Batanes sa hilagang Luzon at may taas na 1,008 m mula sa pantay-dagat
Bul•kán Hí•bok-Hí•bok : bulkang matatagpuan sa Mambajao, Camiguin at may taas na 1,332 m mula sa pantay-dagat